Search This Blog

Sunday, December 22, 2019

What to do in Hongkong: First Day with or without protesta



Dapat pa Taiwan kami ngayon December dahil malamig,  and dahil talagang gusto namin balikan ang Taiwan. Pero nagbago ang ihip ng hangin ng financier ko hahaha. Ayaw na nya mag Taiwan..Ako gusto ko umalis mag isa na lang.


Yung pag nakakita ka ng SALE natataranta ka na hahaha



So eto ang convo namin ng first week of November =)

Me:  Be ok lang ba na sa Hongkong ako mag Christmas?
Be :  Sino kasama mo?
Me:  Ako lang eh, hahanapin ko sarili ko.
Be:   ____________________________
Me:  Ano ok lang ba sayo?
Be:   Letche ka isama mo na ako. Dami mo kaartehan. (gigil) 
Me:  Talaga? Cgeeee yehey!! 

Yehey!! kse di na ako gagastos pag sya kse kasama ko mas lalong okay. Hahaha. Tsaka mas masaya syempre kse kasama sya. Naks hahaha.

Nag booked kami ng Cathay Pacific, December 20, dahil nga nagkakagulo sa HK since August pa puro PLAN B yung itinerary na ginawa ko, pag sumablay ang PLAN A. Sabi namin bahala na basta importante dun kami mag Christmas together. 


        yung fresh kaming dumating, ganda ko dito ah , anong phone to? hahaha

FIRST DAY , sana naalala ko pa to ng as vivid as I can remember hahaha.

Yung flight namin is 5AM. So 130AM, nag Grab na kami. Nakarating kami sa NAIA 3 ng 230AM , pede ng mag check in. Pero guys, nag web checked-in na kami beforehand para walang hassle na pumila pa. 

TIP 
Mag web check in na kayo before your flight para iwas pagod at pila sa check in.

So, nakapag breakfast pa kami sa Kenny Rogers tapos direcho na kmi immig pagkatapos. 




Ayan na,  nakarating kami sa HK ng 5AM, by 7AM nag A21 bus na kami papunta Nathan Road. Mga 30 minutes din byahe, and nakapag checked in kami agad sa Minimal Hotel Avenue 




(naibooked ko to through Agoda ang laki ng discount and ang saya lang na malapit sya sa lahat, sa tapat ng hotel lang yung A21 bus pabalik ng airport, lakad ng konti, andun na din ang MTR Jordan Station, nasa gitna kami ng TST  and Mongkok )

Nakakatuwa lang na di na kmi pinabalik para mag check in,  pina drecho na kami sa room oh diba? So natulog muna kami and nagising ng 1230PM.


                                       Nag dinner kami sa KFC 

Ayun na nagikot na kami kumain kami sa Cafe de Coral along Nathan Road din. Himala wla naman protesta and medyo malamig na din ang weather. So nag inarte ako ng bubble jacket chos hahaha. Feeling winter, pero malamig naman na talaga tsaka pang #ootd na din =)


                                                         Syempre nag milk tea ako



So yung first day namin is nag late lunch sa Cafe de Coral, naglakad, yes grabe layo ng nilakad namin going to Mongkok and nagpunta din ng Ladies Market na pagkatapos eh nag dinner eventually sa KFC along Mongkok. 






Naghanap kami ng toys sa Ladies Market , parang may nabili kse kami before dito , 6 years ago, so malamang wala na diba? hahaha. So nilakad ule namin pabalik sa hotel jusko naka 23K steps ako. Grabe, pede naman mag train talagang ginapak namin ang mga mura naming katawan ng first day hahaha. 


       Eto na yung tumingin kami sa InsPoint ng mga toys , grabe daming baliw sa mga figures

 2nd Day to be continued...

No comments:

Post a Comment

"Without Sin" is now streaming exclusively on Lionsgate Play

  Get ready to unravel a deadly web of deception with ‘Without Sin’, the gripping psychological thriller streams exclusively on Lionsgate Pl...