Search This Blog

Showing posts with label Cebuana Lhuillier pawnshop. Show all posts
Showing posts with label Cebuana Lhuillier pawnshop. Show all posts

Sunday, August 19, 2018

Gipit? Need ng instant cash ng may mataas na appraisal? Punta ka na sa Cebuana Lhuillier







Dati kapag naririnig ko ang salitang sangla, parang sobrang kawawa at gipit na yung tao. Naiisip ko baka natalo sa sugal, nag adik at kung ano pang kamalasan. Siguro dahil na din sa mga napapanood ko sa TV, pero parang sobrang nakakahiya kapag nagpunta ka na sa sanglaan.  Yung tipong takot ka pang makita ng kapitbahay na nagsasanla dahil siguradong ikaw na ang bida sa susunod na tsismisan nila.  Na kesyo may kapamilya ka ng napariwara, o nakaw yung gamit na sinasangla mo o talagang wala ka ng matakbuhan at mautangang kapamilya kaya desperado ka na at sanglaan na ang huli mong matatakbuhan.





Sabagay hindi mo din masisi kase hindi iilan lamang ang sanglaan dati, nasa sulok pa ng kalye na parang kahit sila ay nagtatago din. Pero ngayon natural na lang ang magsangla kung wala ka ng ibang malalapitan.

Naranasan mo na rin bang may babayaran kang past due date na, pero ang sweldo ilang araw pa. Ayaw mo naman galawin ang savings mo dahil alam mo di na ulit maibabalik yun.  Kung meron ka mang ATM account, malamang naghihintay din yun malagyan katulad mo.

Ang hirap ng ganyan diba mga mumsh?



Madalas mangyari sa akin yan nung nag aaral pa ang mga anak ko ng college. Tama na sana yung kwenta ko ng tuition fees, tapos nalimot ko may mga libro pang bibilhin and worst may miscellaneous fees pa. Haist ang buhay nanay nga naman.



Kaya tuloy one-time ay nagalaw ko yung set of earrings na naitabi ko. Naalala ko na yun ang kauna unahang alahas na nabili ko, pero dala ng pangangailangan, ayun naisanla ko siya para pandagdag sa pambayad ng bills. Buti na lang din may malapit lang ng Cebuana Lhuillier sa amin. Isang tumbling lang ayan na. So anu ba ang mga madalas na naiisip natin pag pinagbakasyon natin ang mga alahas natin?



Eto na yung mga simpleng tanong natin kapag magsasangla



Syempre iisipin mo na pag nagsangla ba, safe ba yung mga alahas mo? Di ba yun mawawala or babawasan o mapapalitan?


Naka insured po yung mga alahas sa Cebuana, kayat kahit ano mangyari di ka kakabahan at alam mo anytime pede nilang palitan kung mawala nila bastat hawak mo lang ang papel de agencia mo.


Nakasealed din  yung item mo na may pirma mo para sure ka na di ito mabubuksan at pakikialaman. Merong din silang vault na fireproof at CCTV na nakakabit at Alarm System

Parang banko lang diba?

 Di po ba kinakaskas yung ginto sa oras ng pagsasangla? 

Eto pa dahil alam nila na mahalaga sa iyo ang bagay na isasanla mo, maingat din nila itong kinikilatis. Hindi  kakaskasin yung ginto kaya wag ka magalala. May paraan sila ng pag test upang malaman ang uri ng ginto na sinasangla mo kung totoong ginto or fashion jewelry,  na gamit ang itim na bato, asido, at cigarette ash.  Pwede mo pa siyang ipatimbang muli kapag tutubusin mo na para alam mo kung nabawasan ba ito.




San po ba mataas ang appraisal fee?


Siyempre hanap din tayo kung saan mataas ang appraisal fee. At ginawa ko din yun! Dahil magkakatabi lang naman ang mga sanglaan sa amin, nag try ako magsangla sa sanglaan X, 18K po yung ginto ng mga hikaw, tapos sabi P2600 ang appraisal fee, eh kulang pa yun mga mumsh so naghanap pa ko ng iba.


Kaya dun ako napunta sa Cebuana, yung hikaw eh inappraise nila ng P3400 ang laki din ng diperensya diba?.  To think na kulang pa ng pakaw yung isang pares kase nawala ko na. Edi dun na ko sa Cebuana.

 Ano po ba pedeng maisangla bukod sa ginto?

Tapos tinanong ko na din kung ano pa ang pwede ko maisangla just in case magipit muli ako. Ang sabi nila kahit pa sirang alahas, example kulang ng pakaw, natabingi na yung singsing, putol na kwintas, etc. Pede magsangla ng kahit hiwa hiwalay pa yang mga alahas mo, mapa tabingi man yan putol or kulang, di magkapartner,  as long as may kilatis at ginto pede po.

Pwede ding  isangla ang mga alahas na ginto, diamond, platinum, relos at mga gadgets gaya ng cellphone at laptop.

 Anu ano ang mga kilatis ng ginto na pwedeng maisangla?

Sa ginto ang mga kilatis na pwedeng maisangla ay yun kilatis na 9K, 14K, 18K, 21K, 22K, at 24K. Naayon yan sa bigat ng mga ginto sa alahas kung magkano tatanggapin sa sanglaan. Kahit pa saang bansa galing katulad ng Dubai, Saudi, Italy, Chinese, Japan or Singapore.





Paano Ba Magsangla?

1. Dalhin ang ginto, alahas, diamond, platinum o anu mang isasangla sa Cebuana Lhuillier.

2. Ipakilatis ang alahas at sila ang magbibigay ng presyo ng iyong sangla.

3. I fill up ang form ng iyong pangalan, address o anuman hihingin personal information.

4.  Pirmahan ang naka sealed na plastic kung saan nakalagay ang iyong sinangla. Kunin ang cash pagkatapos ng transaksyon.

5. Itabi ang papel de agencia.



Kaya kung gusto mo ng instant cash at good deal sa pagsasangla dahil sa mas  mataas na appraisal. Pedeng pede ka ng magsangla sa Cebuana Lhuillier. Merun silang mahigit na 2000 branches nationwide. Kung magrerenew ka man ng sangla mo pede mo to gawin sa kahit saang branch ng Cebuana Lhuillier.


Kaya next time na magipit.  Punta ka lang sa pinakamalapit na Cebuana Lhuillier para sa mas mataas na appraisal at instant cash.


For more details visit https://www.facebook.com/cebuanalhuillierpawnshop/
https://www.cebuanalhuillier.com/

PLDT Home x Netflix: New Bundles Bring Unli Internet and Unli Entertainment to Your Screen

  Telco giant PLDT Home reinforces its partnership with streaming leader Netflix to bring Filipino homes unlimited streaming,  ensuring you ...