MAS MARAMING PARAAN PARA MAG-LOAD. Maaari na ngayong mag-load ng beep™ card sa pamamagitan ng ShopeePay wallet. Nagpirmahan kamakailan ang mga opisyal ng dalawang kumpanya kabilang sina Martin Yu, Director ng Shopee Philippines; Jonathan Juan Moreno, Presidente at CEO ng AF Payments Inc.; at Sharon Fong, Chief Commercial Officer ng AF Payments Inc.
Nagsanib-puwersa kamakailan ang AF Payments Inc. at ShopeePay para mapadali pa ang pagre-reload ng beep™ card. Sa pamamagitan ng e-wallet na ShopeePay, maeenjoy ng mga komyuter ang pag-load direkta mula sa kanilang telepono at maaari pang makakuha ng diskuwento o cashback kapag may espesyal na promosyon.
“Prayoridad ng beep™ na magbigay ng kaginhawahan sa mga pasahero. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Shopee, na sikat na online shopping platform sa Pilipinas, nakakapagbigay kami ng maraming opsyon sa aming users para patuloy nilang gamitin ang kanilang card. Sisiguraduhin naming maparami pa ang partners upang makapagbigay ng pinakamahusay na serbisyo sa mga mananakay at lahat ng Pilipinong konsyumer,” sabi ni Sharon Fong, Chief Commercial Officer ng AF Payments Inc.
Madaling mag-reload sa pamamagitan ng ShopeePay. Buksan lang ang iyong Shopee app at i-tap ang “Load, Bills & Travel.” Sa kategoryang Travel, piliin ang “BEEP CARD.” Ilagay ang 16-digit na numero na makikita sa likod ng beep™ card na gusto mong loadan at piliin ang halagang ilalagay. Maaari itong P20, P50, P100, P200, P300, P500, at P1,000. May kaunting convenience fee na karagdagan sa bawat transaksyon. I-tap ang Checkout.
Piliin ang ShopeePay bilang opsyon sa pagbabayad, pagkatapos ay i-tap ang “Pay Now” at ilagay ang iyong ShopeePay PIN. Upang kumpletuhin ang proseso, i-tap ang beep™ card sa anumang E-load Station na matatagpuan sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3, at piling P2P Bus Terminals.
Ang ShopeePay ay ang integrated mobile wallet ng Shopee, ang nangungunang libre at pinagkakatiwalaang paraan upang bumili at magbenta online sa Timog-Silangang Asya at Taiwan. Gamit ang ShopeePay, maaaringmagpadala ng pera, magbayad ng mga bayarin, at mag load ng beep-card sa Shopee app. Para magamit ang ShopeePay at mga feature nito kagaya ng vouchers, discounts, at cashback, i-download ang Shopee app sa App Store, Google Play Store, at Huawei App Gallery, gumawa ng account, at i-activate ang ShopeePay.
“Simula nang ipinakilala namin ang ShopeePay sa Pilipinas, ang hangad namin ay mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapag transaksyon online nang madalian at may seguridad. Sa pakikipagtulungan na ito sa beep™, ma-ibabahagi namin ang aming serbisyo pati na rin ang mga feature na tinatangkilik ng mga gumagamit ng ShopeePay sa mga cardholder ng beep™” sabi ni Martin Yu, Director ng Shopee Philippines.
Ang beep™ ay isang stored value card na ginagamit upang magbayad ng pamasahe sa tatlong linya ng tren (LRT-1, LRT-2, at MRT-3), mga piling bus, at PUV sa buong bansa, at sa mga kasosyong retail merchant. Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa beep™ sa pamamagitan ng landline sa (02) 87379600, Globe Line sa 09175121319, o Smart Line sa 09985819675.
Para laging updated sa balita at mga promo, sundan ang beep™ sa Facebook <fb.com/beepcardph>, Twitter<twitter.com/beep_card>, at Instagram <instagram.com/beep_card>. Maaari ring bumisita sa website<www.beeptopay.com>.