Bigla ko namiss manood ng indie tagalog films, dati abang abang lang ako sa Cinemalaya para makapanood ng matitinong indie, hindi pa ko blogger nun. Ang saya lang manood, matuwa at umuwing apektado dahil dun ko lang naiisip na matalino pa rin tayong mga Pilipino at kayang makipagsabayan kahit kanino. Minsan, nakikita ko din yung sarii ko sa bawat character na napapanood ko, tapos sasabihin ko na" tang!%$ ako yan ah, ganyan ba ko katanga"? sa katabi ko. Minsan mapapamura ka sa mga padivang character, minsan maiisip mo pagtapos ng pelikula na "ahhh kaya nya pala yun ginawa kase ganun eh", na minsan sa sobrang apektado mo di ka na makatulog lalu pa at horror. Takutan mode.
Mabubuhay ako ng walang mall, ng di kumakain ng 8 hours, pero hindi ng pagbabasa at panonood. Yung panonood lang ng sine ang nakakapagbigay sa ken ng ginhawa, nakakatakas ako sa mga kabwisitan ko sa buhay tapos nakakapagisip ako ng tama at mali. Gusto ko may kadiskusyunan, yung pagkatapos mong manood eh tipong paguusapan nyo ng matagal ng kasama mo yung napanood nyo hanggang sa pag awayan nyo na. Hahaha. Dahil sa sobrang ganda may sari sarili kayo perception, hatol sa mga pangyayari, character or galaw ng eksena.
Naalala ko yung huling tumatak na pelikulang pilipino sa kin is Heneral Luna pa, ang galing sobra ng akting ng buong cast, di mo namamalayan tapos na yung pelikula, tapos marami kang "kaya pala", na babaero pala si Heneral Luna, na may pagka komedyante pala sya, at marami pa ring traidor at balimbing sa ting mga Pilipino.
Etong darating na Marso 16, magpaka pilipino naman tayo, bigyan natin ng pagkakataon ang mga bagong aktor, scriptwriter at direktor ng Cine Filipino Fim Festival na ma-witness yung mga pelikula nila, malay natin magkarun tayo ng makabagong Lino Brocka, Ismael Bernal, Mike De Leon or Marilou Diaz Abaya sa panahon ngayon ng milenyal. Suportahan natin ang kapwa natin Pilipino, kumuha tayo ng mga hugot moment sa bawat pelikula ng CineFilipino, isakripisyo muna natin ang dalawang starbucks na latte para sa isang pelikula.
Eto ang lineup ng pelikulang papanoorin ko, Ang Tulay ng San Sebastian dahil gusto ko matakot at magpatakot, Buhay Habang Buhay, dahil gusto ko ule matakot at naiisip ko minsan anu bang pakiramdam pag patay na, Ang Taba ko Kase, yung pakiramdam ng maging mataba, although minsan naiisip ko mataba rin naman ako matanda pa hahaha bakit wlang Ang Tanda ko Kase, hahaha. 1st sem, yung feeling na ayaw mo ng course na pinakukuha sayo yung pinipilit mo ang sarili mo mag aral dahil pinagaaral ka ng magulang mo, Sakaling Hindi Makarating, para sa mga taong ayaw mag move on, yung nakapag move on na, pero tanga pa din at hopia.
Yan palang ang mga pelikulang gusto ko panoorin, sana matapos ko silang lahat at isusulat ko ule sa inyo ang hatol ko. Tara, kitakitz sa March 16 to 22! Nasa Gateway ako nyan dahil sa Ang Tulay ng San Sebastian at Joem Bascon!
Celebrating movies that best represent the ever-evolving Filipino cinema, the CineFilipino Film Festival, organized and led by Unitel Productions, in partnership with the MVP Group of Companies, offers cineastes with more moving stories and a more diverse mix of genres. The festival begins with the screening of sociopolitical drama/thriller “Whistleblower”, starring Nora Aunor and directed by Adolf Alix Jr., on March 15, 6:00 pm at Newport Cinema 4, Resorts World Manila. The film festival will run from March 16 to 22 in select cinemas in the metro* while the awards night will be held on March 19 at Teatrino Greenhills.
With the theme “Kwento pa rin ang Hari”, the second installment features more categories including, Feature-Length, Documentaries, TV Series and Shorts under which finalists will showcase works in Short Features, Mobile and Online. CineFilipino Film Festival attendees can choose from nine Feature-Length films, five Documentaries, five TV Series and 17 films under the Shorts category – 11 Short Features, 5 Online Content and 1 Mobile Content.
“The essence of the story will always be at the core of CineFilipino, and with this year’s various categories, moviegoers are offered a more enriching experience,” said Madonna Tarrayo, CineFilipino Film Director and Unitel Productions President and Group COO.
In the Feature-Length category alone, moviegoers can surely experience a wide array of emotions and stories. In “1st Sem”, first-time film festival directors Dexter Hemedez and Allan Ibanez present an intensified love-hate relationship between a mother and son after the latter decides not to pursue college education in Manila. In Carla Baful’s “A Lotto Like Love”, moviegoers can expect a different kind of love story as two strangers are brought together in luck and love by a single winning lotto ticket.
Love in spite of weight issues takes center stage in Jason Paul Laxamana’s “Ang Taba Ko Kasi” while Alvin Yapan’s “Ang Tulay ng San Sebastian” explores the richness (and reality) of Filipino superstitions. Meanwhile, Paolo Herras’ “Buhay Habang buhay” takes on life after death and the importance of moving on and celebrating life despite seemingly bleak circumstances.
A lesbian woman’s dream of becoming a mother is the subject in Lemuel Lorca’s “Ned’s Project” while Dave Fabros’ “Straight to the Heart” is filled with uniquely Filipino humor and hugot lines as it explores a situation that has surely crossed the minds of many: what happens when a gay hairdresser slips into a coma and wakes up a straight guy?
Ice Idanan’s “Sakaling Hindi Makarating” takes the beauty of the Philippines and uses it as a dramatic backdrop for a poignant story of heartbreak and moving on. And lastly, moviegoers get the privilege of witnessing a touching story about a child with Down’s Syndrome whose dream is to become an artista in Randolph Longjas’ “Van Damme Stallone”.
Jury deliberations will take place on March 16, 17 and 18; winners will be recognized in CineFilipino’s Awards Night on March 19 at Teatrino Greenhills, which will be attended by the finalists, executives and the film festival’s sponsors and partners.
*Catch the CineFilipino Film Festival on March 16 to 22 in participating cinemas: Gateway Cineplex, Festival Cinemas, Eastwood Cinemas, Robinsons Galleria Movieworld, Robinsons Manila Movieworld, Robinsons Metro East Movieworld, Newport Cinemas in Resorts World, EDSA Shangri-La Cineplex and Greenhills Theater Mall Cinema.
CineFilipino Film Festival partners are Mediaquest, TV5, Cignal, Unitel, Optima Digital, Metro Pacific Tollways, PLDT Smart Foundation and Meralco. For further information, visit the official website, www.cinefilipino.com.
No comments:
Post a Comment