Search This Blog

Thursday, November 25, 2021

Ibinahagi ni Rica Peralejo ang kanyang mga personal na karanasan sa pagbibigay ng nutrisyon sa kanyang mga anak


Top row, from left: Celebrity Mom Rica Peralejo, Nutritionist and Dietitian Reginna Emiliene Lat, RND and Event Host and Radio DJ Mama Emma; Bottom row, from left: Alaska Fortified Powdered Milk Drink Brand Manager Mark Henry Camacho and Assistant Brand Manager Patricia Domingo

 

“Mother knows best,” ika nga nila. Alam ng ating mga nanay kung sino ang ating mga kabarkada, kung ano ang ating paboritong pagkain, kung ano ang ating mga hobby, at pati na rin ang paborito nating mga artista. Hindi man up-to-date ang ating mga nanay sa mga bagong gadgets o kung ano ang trending, wala pa ring makakatalo sa kanila pagdating sa kanilang mga anak.

 

Totoo rin ito pagdating sa nutrisyon. Dahil sa pandemya, kinailangang maging flexible ng mga nanay sa iba’t-ibang bagay tulad ng pagtuturo sa mga anak, pagluluto sa araw-araw, at pagbibigay ng wastong nutrisyon at alaga sa pamilya. Kahit mas mahirap magbigay ng wastong nutrisyon ngayong pandemya, nananatili pa rin itong prayoridad para sa mga nanay, kaya naman inilunsad ng Alaska Fortified Powdered Milk Drink ang kanilang “Super Sulit Pack” upang makapagbigay ng abot-kaya at dekalidad na nutrisyon sa pamilyang Pilipino.


 Top row, from left: Celebrity Mom Rica Peralejo and Nutritionist and Dietitian Reginna Emiliene Lat, RND; Bottom row: Event Host and Radio DJ Mama Emma

 

Sa ginanap na virtual launch event para sa Alaska Fortified Powdered Milk Drink “Super Sulit Pack”, ibinahagi ng celebrity mom na si Rica Peralejo ang kanyang mga personal na karanasan sa pagbibigay ng nutrisyon sa kanyang mga anak.

 

“Mas mahirap ngayong magplano ng mga meals para sa pamilya. Dahil sa pandemya, hindi pwedeng lumabas na lang nang basta-basta para mag-grocery at maghanap ng masustansyang pagkain na magugustuhan ng ating mga anak,” sabi ni Rica.

 

“Kailangan talagang maging creative para ma-engganyong kumain ng masusustansyang pagkain ang mga bata,” sabi ni Rica nang tanungin siya kung paano niya binago ang eating habits ng kanyang mga anak. “Kailangan palaging may variety. Gusto ng mga bata na may bagong natitikman o nararanasan, kaya naman nagiging hamon ito para sa mga nanay. Noon, pwede tayong kumain sa labas ng mga masusuntasyang pagkain, pero ngayon dapat magawa na natin ‘yon sa sarili nating mga bahay.  Kailangang pag-isipang mabuti ang presentasyon ng pagkain, ang ayos ng hapag-kainan, para lang mabigyan ang ating mga anak ng kakaibang karanasan araw-araw.”

 

Nagkwento din si Rica tungkol sa kanyang karanasan sa pagpapa-inom ng gatas sa kanyang mga anak. “Sa totoo lang, ang gatas ay isa sa pinakamadadaling ipa-inom sa ating mga anak...Minsan nakaka-overwhelm para sa mga nanay ang pag-iisip ng mga nutrients na pwede pang idagdag pagkain ng kanilang mga anak. Kaya nagpapasalamat ako na meron na tayong mga milk drink na meron nang kasamang nutrients na kailangan ng mga bata. Malaking tulong ang gatas para sa aming mga nanay dahil bukod sa abot-kayang presyo at karagdagang nutrisyon, swak din ito sa panlasa ng mga bata,” ayon kay Rica.

 

Kasama rin ang nutritionist at dietitian na si Reginna Emiliene Lat, RND, sa ginanap na virtual launch event, kung saan niya ibinahagi ang kanyang mga karanasan sa pagbibigay ng nutritional advice sa mga pamilyang may mababang kita, na lalong naging challenging dahil sa pandemya.

 

“Maraming pamilya ang nawalan ng trabaho, habang ang iba naman ay hindi sapat ang kita para makapagbigay ng sapat na nutrisyon sa kanilang mga anak,” sabi niya. “Ngunit sa harap ng mga hamon na ito, hindi pa rin sumusuko ang mga nanay, lalo na’t desidido silang bigyan ang kanilang mga anak ng sustansyang kanilang kinakailangan.”

“Kaya sa konting pagbabago lang ng kanilang diet tulad ng pagdagdag ng mga prutas at gulay para masigurado ang balanse at sari-saring uri ng pagkain, at ang pagdagdag ng nutritional supplements at nutrient-dense drinks, masisigurado nilang makukuha ng kanilang pamilya ang sustansyang kanilang kinakailangan habang nananatili sa kanilang budget,” dagdag ni Reginna.

 

Habang ang mga bata ay nasa maagang yugto ng paglaki, lubhang mahalaga ang tamang nutrisyon upang mapanatili silang malusog at magbigay ng mabuting pundasyon para sa kanilang kinabukasan. At dahil dito, nananatiling nakatuon ang Alaska Fortified Powdered Milk Drink sa pagbibigay ng sustansya sa pamilyang Pilipino at pagtulong sa paglaki ng mga bata sa pamamagitan ng “Lakas at Talas”.

 

Naglalaman ang Alaska Fortified Powdered Milk Drink ng protein, calcium, vitamin C at vitamin D para sa “lakas” na tumutulong sa body development, at choline, iron at iodine para sa “talas” na tumutulong sa brain development. Ito ay isang masarap na inumin na maaring ma-enjoy ng mga bata tuwing umaga, kapares ang masustansya at balanseng almusal.


Moms and media attendees share a toast of Alaska Fortified Milk to show their commitment to affordable nutrition

 

“Alam naming isang malaking hamon para sa mga nanay ang pagbibigay ng wastong nutrisyon na pasok sa budget. Isinasaayos nila ang prayoridad ng pamilya at tinutugunan ang kanilang pangangailangan araw-araw. Naayaon sa misyon ng Alaska Fortified Powdered Milk Drink na magbigay ng abot-kaya at kalidad na nutrisyon sa pamilyang Pilipino, nandito kami para tulungan ang ating mga nanay gamit ang aming pinaka-affordable na milk pack – ang 300g ‘Super Sulit Pack’ sa presyong PHP 70 lamang – sa pagbibigay ng karagdagang sustansya at alaga sa kanilang mga anak,” sabi ni Mark Henry Camacho, Brand Manager ng Alaska Fortified Powdered Milk Drink.

 

Ang Alaska Fortified Powdered Milk Drink 300g “Super Sulit Pack” ay available hanggang December 2021 sa Shopee, Lazada, leading supermarkets at grocery stores nationwide. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Alaska Fortified Powdered Milk Drink, bisitahin lang ang www.alaskamilk.com o www.facebook.com/alaskamilkph.

4 comments:

  1. As a mom,and a parent,I can relate to this, learning with co moms ,does really matter,and does appreciated!

    ReplyDelete
  2. Tlga nman lahat ng mga nanay iisa lang ang karanasa lalo na sa pagaalaga ng kids at kung paano natin mapapanatili tlga ang kalusugan nila ❤️ Mother knows best,” ika nga nila 🤗❤️

    ReplyDelete
  3. Malaking inspirasyon din talaga ang pagbabahagi ni Rica upang maibigay ang tamang nutrisyon sa mga anak. Bulang isang ina talagang top priority na natin ay ang kalusugan ng ating mga anak.

    ReplyDelete
  4. Such an Inspiring Message From one of the Kind Celebrety Mommy, truly Her Message was so nice and Helpful too to all Mommies Here, sobrang laking tulong this Pandemic, specially sa mga Taong hindi pa masyadong nakakalabas 💯💯❤

    ReplyDelete

A game-changing opportunity for tech-forward professionals with AXA Prime

The pandemic has led businesses and consumers to embrace digital transformation, creating potential opportunities for professionals in the t...