Search This Blog

Wednesday, December 1, 2021

Chie Filomeno is Ginebra San Miguel Calendar Girl 2022


 

Ipinakilala ng Ginebra San Miguel si Kapamilya actress at ang calendar vixen ng Pinoy Big Brother na si Chie Filomeno bilang 2022 Calendar Girl. Isang virtual launch ang ginanap nitong Miyerkules (December 1) para salubungin ang pinakabagong brand ambassador ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI).

 

“To be a part of the Ginebra San Miguel family is such a big fulfillment for me. This is a dream come true. I am really happy and grateful to be a part of the brand’s legacy,” ani Filomeno. Dagdag pa niya na ang mapili ng Ginebra San Miguel, ang pinakamabentang gin sa mundo, ay isang napaka-importanteng bahagi ng kanyang showbiz career. 



 

Itinuturing ni GSMI National Sales and Marketing Manager Allan Mercado ang 2022 Calendar Girl na si Filomeno na isang modern Filipina na kumakatawan sa mga katangian ng Ginebra San Miguel brand. “Chie Filomeno is a modern woman who is passionate in her work as a model, vlogger, youth influencer, and actress. Ginebra San Miguel chose Chie Filomeno because she embodies the attributes that our products stand for – a modern Filipina who personifies our brand attributes of being ‘matapang,’ ‘ganado,’ and having that ‘never-say-die’ attitude,” ani Mercado.  

 

Ang Ginebra San Miguel 2022 calendar ay may anim na layouts na nagpapakita ng iba’t ibang interes at libangan ng aktres – health at fitness, car racing, roller skating, fashion, surfing, at pati na rin ang pagpasyal sa beach. Ang bagong calendar ay mayroon din QR code feature na kung saan maaaring i-scan ito ng mga fans at followers ni Filomeno gamit ang kanilang mga smartphones para mapanood ang behind-the-scenes mula sa kanyang calendar girl photoshoots. 

 

Naniniwala si Filomeno na ang pagiging Ginebra San Miguel calendar girl ay hindi basta ganda lang at pagpapa-sexy. “It is definitely beyond that. It is about being strong. It is about feeling and looking good, not just on the outside, but also on the inside. I know I am more than just a pretty face. I am more than my mistakes. I know I still have a lot to prove, not to other people, but to myself. My competition is myself and not anyone else,” ani Filomeno. 

 

Hinangaan si Filomeno ng kanyang higit sa anim na milyong followers sa TikTok, Instagram, at Twitter dahil sa pagtulong niya sa mga jeepney drivers na naapektuhan ng pandemya. Hangad din ng bagong Ginebra San Miguel calendar girl na gamitin ang bagong platform na ito bilang brand ambassador na makapagbigay inspirasyon at pag-asa sa mga kabarangay. “I use it in a positive way, to inspire people, because that is what we all need right now. We should use our influence to inspire and give hope. That has been my goal,” ani Filomeno. 

 

Makakasama ni Filomeno bilang bahagi ng GSMI family ang aktres na si Sue Ramirez para sa GSM Blue, at social media sensation Albert Nicolas at aktor/singer na si Matteo Guidicelli para sa Primera Light Brandy. 

 

Ang Ginebra San Miguel Calendar Girl ay bahagi na ng tradisyon ng GSMI mula pa noong 1988. Ilan sa mga beauty queens, modelo at artista na natampok bilang Ginebra San Miguel Calendar Girl ay sina Marian Rivera (2009 at 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heusaff (2012), Kim Domingo (2017), Miss Universe Pia Wurtzbach (2019), at Sanya Lopez (2020). 

 

Ang GSMI ang producer ng pinakamabentang gin sa buong mundo, ang Ginebra San Miguel. Bukod sa Ginebra San Miguel, ang iba pang produkto ng GSMI ay ang GSM Blue Light Gin, GSM Blue Flavors Mojito, Gin Pomelo at Margarita, GSM Premium Gin, Antonov Vodka, Anejo Gold Rum, Vino Kulafu at Primera Light Brandy. Para sa karagdagang detalye, i-like ang official Facebook page ng Ginebra San Miguel www.facebook.com/BarangayGinebra o mag log on sa www.ginebra.com.ph.

 

2 comments:

  1. Sya pala iyun ,kaya pala may kamukha hehe ,thanks for this maam

    ReplyDelete
  2. She really deserved to be the Ginebra San Miguel calendar girl. So sexy and gorgeous.

    ReplyDelete

Watch out for Infinix x PUBGM Cup

Want to test your skills and see if you got what it takes to dominate the battleground? This may be your moment to shine as mobile technolog...