Search This Blog

Thursday, July 5, 2018

Pangarap mong Sariling Bahay na #SaktoSayo Besh, Swak sa Bella Vita Homes






Yung simple lang ang pangarap ng karamihan sa ating mga Pinoy. Ang magkaroon ng masayang pamilya. Ang makapaghain ng masarap na pagkain sa lamesa, ang makagala sa kung saan saan, dito man or sa labas ng bansa,  at ang syempre yung gusto ng lahat ang magkaroon ng sariling bahay! Yung balur na iyong iyo na kahit anu gawin mo walang makikialam sayo. Tumambling or humilata ka man maghapon. Walang sisita at walang magdadabog sayo. Gets mo?! Relate ka ba? Hahaha




Di ko yata nagawang mangarap magkabahay dahil sa kabusyhan ko sa mga anak ko noon.



Dahil dati, di ko naisip o inasam na magkaroon ng sariling bahay.



Naisip ko may bahay naman ang aking mga parentals, bukod pa dun, nakatira din kami sa bahay ng aking biyenan, na kahit maliit at medyo masikip ay maituturing na parang amin na din. Pero hindi rin yun ang dahilan. Nagtatrabaho ako nun sa isang hospital at pinag aaral ko sa private school ang tatlo kong anak, kung kayat sapat lang ang aking kinikita at pinadadala ng aking asawa para sa pang araw araw na panggastos at pambayad ng mga utility bills, baon ng mga bata at pagkain sa araw araw.



Bukod pa dito, mahirap din makahanap ng bahay sa Maynila na mura, kadalasan nasa malayong lugar na tulad ng Bulacan, Laguna at Cavite,  ang mga bahay na masasabi kong mas abot kaya para sa ordinaryong pamilya. Dagdag pa na dati ay puros talahiban at parang napakalayo pa ng Cavite noon, halos probinsya na para sa isang tulad ko na lumaki sa Maynila.



Pero sa nakaraang dalawang dekada na lamang, napakarami nang pabahay o housing development ang sumusulpot karatig lugar ng Metro Manila tulad ng sa Cavite, Laguna, Batangas, Pampanga,  at iba pang kalapit na lugar na #saktosalocation mo.



Nanatili mang panaginip na lang ang magkabahay at lupa para sa akin, sinugurado ko naming ipaalala sa mga anak ko na huwag silang tumulad sa akin. Na mag aral sila at magtrabaho ng mabuti upang makapagpundar ng sarili nilang bahay para sa kanilang mga pamilya. At kung di man nila gustong tumira doon, isa din itong magandang investment na pwede nilang maibenta o mapaupahan pagdating ng tamang panahon.




Noong magsimula ako magsulat at gumawa ng blog, ilang beses na din akong naimbitahan sa mga tinatawag na open house—o kung san maiikot at makikita mo ang isang bahay o subdibisyon bago or habang itinatayo ang mga ito. Karamihan ay may kamahalan, yung tipong dapat ay nagtrabaho ka sa ibang bansa—at di lang ordinaryong trabaho ha! Yung tipong pang Nurse or Engineer na sahod dapat.



Kaya ganun na lang ang gulat ko ng maimbitahan ako sa Bella Vita, isang community sa Gen. Trias Cavite noong isang taon. Hindi ito gaanong kalayuan dahil sa mga bagong gawang kalsada at napakabilis ng development, dahil ng mas abot kaya ang halaga ng pabahay.



Ang Bella Vita ay ang affordable housing project na pagaari ng Ayala Land. At alam naman natin ang reputasyon ng Ayala bilang developer—kilala sila sa magagandang disenyo at modernong pamumuhay.


Ang Bella Vita ang kauna unahang  Eco-Socialized project na naglalayon na maihatid ang misyon ng  Ayala Land na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming pamilyang pinoy ng mas maayos na pamumuhay sa isang tahimik na komunidad sabi nga nila eto ang bahay na #SaktoSayo.



Noong isang linggo ay bumalik kami sa Bella Vita at laking gulat ko sa laki ng pagbabago, napakarami ng nakatirang pamilya at di mo iisiping nasa Cavite ka dahil halos lahat ng kailangan mo ay mayroon na doon. Halos dikit dikit na nga ang mga sari sari store kaya siguradong di ka kailangan mag panic kung may nalimutan ka mang bilihin sa grocery.



Magkakaroon pa ang Bella Vita ng kanilang sariling “mallengke”, isang 1.1 hectare space kung saan maaring magnegosyo at magtayo ng tindahan ang mga small-scale business owners na naninirahan doon.





May 5 Pillars ang Bella Vita; 

1.    LOKASYON: Dapat malapit ito sa mga pampublikong sakayan tulad ng bus o jepp at malapit din sa mga komersyal na destinasyon tulad ng hospital, malls, paaralan atbp.; 

2.    DISENYO: Dapat ay isa itong integrated community na magkakalapit lamang ang mga bahay.; 

3.    QUALITY: Matibay at maasahang pagkakagawa at 1-year workmanship warranty; 

4.    BUYING EXPERIENCE: Abot Kayang halaga, madaling payment options at mga opisina at customer service centers na malapit puntahan; 

5.    LIVING EXPERIENCE: Malinis, Tahimik at Maayos na komunidad





Pero paano nga ba makabili ng sariling bahay? Ayon sa mga Property Consultant and Realty Agent, ang Pag-Ibig Housing Loan pa din ang isa sa pinakakaraniwan at unang mahihingan ng pinansiyal na tulong sa pagbili ng bahay at lupa sa Pilipinas.



Lahat kasi ng empleyado at karamihan sa mga may negosyo ay naghuhulog sa SSS at Pag-Ibig, kaya’t kwalipikado sila na kumuha ng housing loan o financing.



Basta aktibong miyembro ka na kasalukuyang employed at regular (buwan buwan) na naghuhulog ng kontribusyon sa Pag-Ibig o Self-employed o may sariling negosyo

Overseas Filipino Worker na aktibong miyembro at regular (buwan buwan) na naghuhulog ng kontribusyon sa Pag-Ibig maari kang komunsulta sa kanila para makakuha ng loan.



Isa pang paraan ay ang pag loan naman sa bangko o ang tinatawag na bank financing. Minsan ay puwedeng idagdag ito sa hiniram na sa Pag-ibig. Karaniwang humihiram ang isang indibidwal o mag-asawa sa bangko kung saan sila ay may Savings o Checking Account. Ngunit maaari pa rin namang manghiram sa ibang bangko, lalo’t nakikitang mas maliit ang binibigay na interes ng bangko. Minsan din ay may mga katuwang na bangko na ang developer, kaya’t ito ang irerekomenda nila. Kailangan lamang na pag aralan mabuti ang interes at mortgage plan bago kayo magdesisyon.

Narito ang mga unit na maari nyong makuha sa Bella Vita

                  Poli End

Floor Area 23sq
Lot Area 50sq
P650K- 900K
Reservation Fee:  P5000.00



Poli Inner
Fl Area 22sqm
Lot Area 36sqm
P450K
Reservation fee P5000.00




Gemelli
Fl Area 24 sqm
Lot Area 60 sqm
P900K- P1,200,00
Reservation Fee P5000.00







Para sa karagdagang impormasyon bumisita sa website ng Bella Vita
https://www.facebook.com/BellaVitaLandCorp/

No comments:

Post a Comment

Finding Your Perfect Fit: UNIQLO Bra Top Styles for Every Activity and Comfort Level

Finding the perfect bra top has never been easier! During Uniqlo’s Bra Top event at Axis Center, we all experienced firsthand how comfort an...