Search This Blog

Saturday, August 11, 2018

Review: Ang Babaeng Allergic sa WIFI (No Spoilers to mga vakla !)



Yung naisip ko na paano ka pala mabubuhay kung wala kang wifi? vs Paano ka mabubuhay ng walang jowa? Charot. Mahirap mamili diba?  Naisip ko din na mabuti na lang di pa uso yung internet, wifi, cellphone na android, iphone, facebook, google, instagram and twitter nung nag aaral ako. Naku, nakikini kinita ko na mangyayari sa ken. Hahahaha.




Nung nareceived ko yung invite kay Ed of whereiseduy.com na manood ng special screening ng Ang Babaeng Allergic sa Wifi. Sabi ko tungkol ba sa millennial yan? Love story? Eh nung nakita ko na si Jun Lana yung director, gow na agad ako. Eh halos lahat ng pelikula ni Direk Jun gusto ko eh. Kaya winner na agad sa ken Ang Babaeng Allergic sa Wifi. Haba ng title lang hahaha. Tagal itype sa insta hahaha.  The movie stars Sue Ramirez, Jameson Blake, Marcus Paterson, under IdeaFirst Company,  October Train Films and Cignal Entertainment.





Eto na yung review ko.

Yung unang bungad sa screen lakas maka instagram story ng color yellow with background na orange na naka volks si Sue aka Norma. Para syang naka preset sa pastel. Basta ang ganda ng cinematography, na capture yung ganda ng lugar sa Batangas at Subic. Yung burol at tulay, ang ganda ng shot. Parang sarap puntahan.  Pansin ko lang laging naka yellow tops si Sue dito.




Anyway, ang simple lang naman ng istorya, tungkol eto sa magkapatid na Leo (Marcus Paterson) at Aries (Jameson Blake) . Girlfriend ni Leo si Norma (Sue Ramirez). Napag alaman na allergic sa wifi si Norma, because nagno nose bleed sya tuwing naka internet or naka wifi. That's why, yung parents nya napilitan syang dalhin sa province ng kanyang lola so that maka breath ng fresh air and mawala sa social media, dahil di naman abot ng wifi yung place ng lola nya. Spoiler na ba to? I hope hinde.

Sa umpisa alam mo agad na typical millennial love story to na makakarelate lahat ng millennials and the not so millennial like me. Medyo maaalala mo lang yung time na panu ka din na inlove at nawasak ang puso mo ng impakto. Hahaha. Ang nakakatuwa lang kase sa movie is napaarte ni Direk Jun Lana yung tatlong bida. Revelation si Jameson Blake dito dahil surprisingly magaling syang umarte, di pilit, natural na natural lang. While si Marcus ganun din naman, pero mas angat si Jameson Blake para sa ken. Same with Sue, maayos din naman yung character nya as Norma. Revelation din yung sidekick ni Jameson, yung babaeng sidekick na matalak,  si Macha (Angelie Sanoy).



Di ko lang napigilan talaga yung maiyak bandang huli ng movie, nakakainis lang na bakit nangyari yun, naisip ko baka may remedyo pa. Pero alam mo yung wala na talaga. Tsk tsk. Sakit sa dibdib. Ganitong ganito yung naramdaman ko sa Meet You in St Gallen. Hagulgol. Yung di ka na makahinga sa sakit.


Ah etong Ang Babaeng Allergic sa WIFI ay entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Panoorin nyo po sa August 15 na! Magdala kayo ng kasama tsaka panyo. Kakailanganin mo silang dalawa sa oras ng panonood. Maniwala ka sa ken.




No comments:

Post a Comment

MAC COSMETICS invites all BLOOMS and beauty lovers alike to an exclusive livestream event

MAC COSMETICS invites all BLOOMS and beauty lovers alike to an exclusive livestream event featuring the nation’s girl group, BINI, on  Decem...