NAPANSIN ni 2020 Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na hindi madaling makapag-bangko sa mga probinsya dahil sa layo ng mga bahay mula sa bayan kung saan naroon ang mga bangko.
Halimbawa na lamang ang mga beneficiary o kamag-anak ng mga overseas Filipinos na kailangan pang bumyahe ng ilang oras para lang makapunta sa pinamakalapit na ATM at i-withdraw ang mga padalang remittance.
Kaya laking gulat ni Hidilyn nang makakita sya ng mga Cash Agad point-of-sale (POS) terminal na naka-istasyon sa iba't-ibang micro and small business establishment sa kanyang hometown sa Zamboanga.
“Friendly-neighborhood ATM”
Ang Cash Agad ay serbisyo na inilunsad ng BDO Unibank noong 2014 kung saan ang mga ATM cardholder ay maaaring makapag-withdraw ng cash gamit ang mga Cash Agad POS terminal sa pinakamalapit na partner stores sa kanilang lugar.
"May Cash Agad sila, kaya nasabi ko noon meron palang ganyan? Kasi nga, galing ako sa iba't-ibang lugar at nakita ko na walang ATM sa mga lugar na yun. Paano na lang yung may pamilya sa abroad, paano nila (overseas Filipino) ipapadala yung pera nila (sa pamilya sa probinsya)? Kapag may Cash Agad partner store na malapit sa inyo, maiwiwithdraw mo ang perang padala sa bank account mo. Ang galing,” ani Hidilyn.
Nagkalat na ang mga Cash Agad partner stores ng BDO na may micro, small o medium-sized na negosyo sa malalayong lugar. Kabilang sa mga ito ang mga sari-sari store, botika, bakery, pawnshop, hardware store, water refilling station at iba pang karaniwang negosyo sa mga probinsya.
"Pag may Cash Agad sa lugar nyo, hindi mo na kailangang magbyahe nang malayo para lang makapag-withdraw kasi syempre sa probinsya malalayo ang lugar. Magco-commute ka pa para makapunta sa pinakamalapit na bangko sa city. Nakagastos ka na, ubos pa ang kalahating araw mo," dagdag pa ni Hidilyn.
Sa Cash Agad, ang isang cardholder ay makaka-withdraw ng hanggang PHP10,000. Ang maximum withdrawal amount kada araw ay depende sa limit ng issuing bank.
May benepisyo rin ang Cash Agad sa mga partner-agent dahil dagdag kita ito sa kanila mula sa convenience fee kada withdrawal. Bukod dito, sa bawat punta ng cardholder para mag-withdraw, malaki rin ang posibilidad na bumili pa ang customer at maging suki ng kanilang tindahan. Wala ring franchise fee para maging Cash Agad partner-agent sa kasalukuyan.
Para sa mga kabayang interesadong maging Cash Agad partner-agent para magka-extra income, magpunta lang sa Cash Agad website (www.bdo.com.ph/cash-agad-application), o tumawag sa hotline (02-8840-7575; domestic toll-free number 1-800-10-840-7575) o mag-email sa Cash Agad Sales Team email address (cashagad@bdo.com.ph).
Wow great news , tlga nman the best ito . Very convenient na , my dagdag kita pa sa mga partner-agent ❤️
ReplyDeleteYay that's good new po malaking tuling din talaga itong cash agad lalo na sa mga malalayong Probinsya na need pa mag byahe para lang mag withdraw sa ATM.
ReplyDeleteWoww this is good news At tama hindi madali magkapagbangko if nasa probinsiya tulad namin!!ang layo kasi eh!thank you sa info na to!
ReplyDeleteBest and great cash out thru bdo , perfect po ito! Galing naman at subrang lapit na talaga
ReplyDelete