Search This Blog

Monday, July 11, 2022

“LUNCH OUT LOUD” AND “IT’S SHOWTIME,” BACK-TO-BACK NA ANG PAGPAPASAYA TUWING TANGHALI!

Araw-araw na mabubusog sa saya at madadagdagan ng sigla ang buhay ng mga Pilipino tuwing tanghali sa back-to-back na pagpapalabas ng “Lunch Out Loud” and “It’s SHOWTIME” sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.   

Simula Hulyo 16 (Sabado), magsisimula na ang pinakabagong noontime experience ng viewers dahil masusubaybayan ang “Lunch out Loud ” simula 11 am hanggang 12:45 pm at susundan ito ng “It’s SHOWTIME” pagsapit ng 12:45 pm hanggang 3 pm para walang patid ang saya sa tanghalian.

Mae-enjoy ng tropang LOL sa “Lunch Out Loud” ang iba’t ibang mga laro tulad ng kakaibang dating game para sa mga dating magkasintahan na “H.O.P.E,” ang showbiz quiz na “Maritest,” ang pagalingan ng hosts sa pagsagot sa “Beat The 2,”  limpak-limpak na papremyo sa “Pera Usog,” at pagtupad ng mga hiling sa “Sagot Mo, Sagot Ko.”

Patuloy namang maghahatid ng saya at magiging tulay ng pag-asa sa Madlang Pipol ang “It's SHOWTIME." Sa loob ng 13 taon, sinubaybayan at ipinagmalaki ng mga manonood ang husay at talento ng mga Pilipino sa “Tawag ng Tanghalan.” Nagbibigay din ito ng inspirasyon at kasiyahan sa pamamagitan ng mga kwento ng contestants sa iba’t ibang segments tulad ng “Sexy Babe,” “ReINA ng Tahanan,” “Miss Q and A,” “MiniMe,” atbp.  Ang masayang samahan at kulitan ng “It’s SHOWTIME” hosts ay patuloy ding mararamdaman sa kanilang tuloy-tuloy na paglilingkod sa lahat ng ating Kapamilya, Ka-A2Z, at Kapatid.       

Dahil sa kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Zoe Broadcasting Network, at TV5, mas maraming Pilipino pa sa bansa ang maaabot ng mga dekalidad na programa na magpapangiti sa mga manonood tuwing tanghali.

4 comments:

  1. Wow this is great news . Tlgang marami n nman silang mapapasaya 😍

    ReplyDelete
  2. Good news po,sure na aabangan ito at talagang mahaba na ang oras para maggpasaya😍❤️

    ReplyDelete
  3. Yayy that's great news❤️maraming mapapasaya na manonood sa show nila at isa na ako dun❤️

    ReplyDelete
  4. This is good news and talagang sure na matutuwa ang mga viewers dito! Kaexcite and sure na Masaya talaga 🥰

    ReplyDelete

ShopeePay is hosting three days of giveaway with over P2M in prizes

. Online transactions are now more rewarding as ShopeePay gives you more reasons to send money, buy load, and shop online! From August 6 to ...