Kamakailang inihayag ni Quezon City Joy Belmonte na ang sila ay magpapamigay ng libro na pinamagatang “What Kids Should Know About Quezon City” sa mga paaralan at sa mga kabataan ng lungsod.
Ang “What Kids Should Know About Quezon City” ay isang librong pambata na naglalayong magbigay kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Lungsod Quezon. Layunin din nito na maging isang inspirasyon at palalimin ang kamalayan ng mga kabataan sa mga kuwento ng Quezon City.
Ang libro ay ipamimigay sa lahat ng aklatan ng mga pampublikong paaralan. Bukod pa rito, gumagawa ng paraan ang Lungsod Quezon upang maipamahagi rin ang libro sa digital na format.
Ang mga kwento na nakapaloob sa libro ay hango sa kasaysayan ng mga tao, lugar, at kaganapan na humubog sa Quezon City at, sa ilang pagkakataon, sa buong bansa.
Nabuo ang “What Kids Should Know About Quezon City” kasama ang mga partner ng lokal na pamahalaan: ang QC Education Affairs Unit at ang Adarna House publishing.
Bilang bahagi ng paglunsad ng librong “What Kids Should Know About Quezon City” at ang pagdiriwang ng kaarawan ng dating pangulong Manuel L. Quezon, inaanyayahan ng QC government ang mga batang residente na sumali sa “Why I Love Quezon City: Essay Writing Contest.”
Ang mga batang taga-Quezon City na may edad 8-12 taong gulang ay maaaring sumali at ipasa ang kanilang sanaysay. Ang mga kalahok ay may pagkakataong manalo ng ekslusibong kopya ng librong “What Kids Should Know About Quezon City” at iba pang pa-premyo mula sa local na pamahalaan ng Quezon City, Jollibee, Bic Kids, at Disney’s Art Attack.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa libro at sa essay writing contest, maaaring puntahan ang:
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS:
“What Kids Should Know About Quezon City”
1. Ano ang librong “What Kids Should Know About Quezon City”?
Ang “What Kids Should Know About Quezon City” ay isang librong pambata na naglalayon magbigay kaalaman tungkol sa ating Lungsod Quezon. Layunin din nito na maging isang inspirasyon at palalimin ang kamalayan ng mga kabataan sa kasaysayan ng Quezon City.
2. Pang ilang taong gulang ang libro?
Ang librong ito ay ginawa para sa lahat na gustong makilala ang lungsod Quezon lalo na ang mga batang nasa edad 8-12 years old.
3. For sale ba ang libro?
Hindi po. Ang librong “What Kids Should Know About Quezon City” ay hindi ipinagbibili ng Lungsod Quezon. Ang mga kopya ng libro ay ipapamahagi sa lahat ng mga aklatan sa Lungsod Quezon at sa mga aklatan ng ating mga pampublikong paaralan.
Sa ngayon, dahil sa pandemya, naghahanap ng mga paraan ang Lungsod Quezon upang maipamahagi ang libro sa digital na format para mas marami ang maka basa nito.
4. Magkano ang libro?
Ang librong “What Kids Should Know About Quezon City” ay hindi ipinagbibili ng Lungsod Quezon.
Ang mga kopya ng libro ay ipapamahagi sa lahat ng mga aklatan sa Lungsod Quezon at sa mga aklatan ng ating mga pampublikong paaralan.
5. Saan makakakuha ng kopya ng libro? Saan makakabili ng kopya ng libro?
Ang librong “What Kids Should Know About Quezon City” ay hindi ipinagbibili ng Lungsod Quezon.
Ang mga kopya ng libro ay ipapamahagi sa lahat ng mga aklatan sa Lungsod Quezon at sa mga aklatan ng ating mga pampublikong paaralan.
Maaari din makakuha ng libreng kopya ng libro sa pamamagitan ng pagsali sa “Why I Love Quezon City” Essay Writing Contest na magaganap simula Agosto 3 – 18, 2020.
6. Ang lahat ba ng mga bata ng public schools ay mabibigyan ng kopya ng libro?
Hindi po. Ang librong “What Kids Should Know About Quezon City” ay ipamimigay sa lahat ng aklatan ng mga pampublikong paaralan na maaaring gamitin ng mga bata. Subalit, dahil sa pandemya, naghahanap ng mga paraan ang Lungsod Quezon upang maipamahagi ang libro sa digital na format.
Maaari din makakuha ng libreng kopya ng libro sa pamamagitan ng pagsali sa “Why I Love Quezon City” Essay Writing Contest na magaganap simula Agosto 3 – 18, 2020.
7. Ang mga nasa loob ba ng libro ay pinanganak sa Quezon City o nakatira padin sa Quezon City?
Ang mga kwento na nakapaloob sa libro ay hango sa kasaysayan ng mga tao, lugar, kaganapan na minsan ay naging bahagi ng Quezon City.
sana lahat ng bata makatanggap
ReplyDelete. wow galing naman nang mga taga QC gusto pden nila maalala nang kabataan nang isang Manuel L. Quezon
ReplyDeleteAng galing naman neto.😊 Mas madaming bata ang ang magkakaroon ng kaalaman patungkol sa Lungsod ng Quezon.
ReplyDeleteAng galing naman neto.😊 Mas madaming bata ang ang magkakaroon ng kaalaman patungkol sa Lungsod ng Quezon.
ReplyDeleteWow! Salamat po sa namumuno ng Quezon City malakinh tulong po yang libro sa mga kabataan ngayon para madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa lugar ng Quezon City.❤ Super ganda din dahil libre lang ito ipinamimigay. Godbless you po!sana lahat ng lugar ganito ang kanila adhikain
ReplyDeleteWow ang galing naman po neto, malaking tulong po eto Ms. Lou Lalo na po sa mga kabataan na walang Alam ngayon sa history ng QC. And one good thing po dahil Libre Lang po sya pinamimigay. Magandang adhikain din po eto na encourage mga kabataan ngayon na magbasa ng mga historical books ng ating bansa.😊 Good job Quezon City. Mahalin ang sariling wika at Bayan. 😊❤️
ReplyDeleteAng galing ng nakaisip nito so bright dahil mas makikilala ng mga batang maswerteng makakatanggap ng libro ang lugar ng QC ang historical beggining ng lugar.Sana meron din sa ibang lugar para mas mahasa ang utak ng mga bata hindi puro gadgets ang hawak.
ReplyDeleteang galing naman ng q.c sa paglulunsad ng history book ng kanilang lungsod,ang mga kabataan ngaun ng q.c,sa batang edad mas mamahalin na nila ang kanilang lungsod dahil malalaman nila ang kanilang pinagmulan,mga tao at pangyayari na naging bahagi ng lungsod nila,sayang di kami taga q.c katabing lungsod lang sana magkaroon din ng ganito samin,dahil ang mga ganitong paksa ang magandang ipabasa sa mga anak.
ReplyDeleteMalaking tulong ito lalo n sa mga taga Quezon city makakakuha sila ng kopya ng mga libro
ReplyDelete