Search This Blog

Saturday, April 18, 2020

Simplehang luto sa panahon ng Covid-19 lockdown


Kamuzta na po kayo mga mumshies, madur and pudra?  How are you  all doing? Coping pa din po ba tayo or nasanay na? Its been a month since lockdown. Ano na po ang nagawa nyo na kinasaya nyo? Kamuzta naman ang health natin? Naumay na ba kayo sa noodles and sardines? Kung ako naman po ang tatanungin nyo eto po kapa palengke lang at meron pa akong menu na bagong bago hahaha. Omelette hotdog po with fried Spam lite.






Dahil wala pong magawa sa bahay, kundi ang kumain at matulog.  Check nyo pa ang ref nyo kung may tira tira or yung lamesa nyo na lang kung may natatakpan na ulam na lumamig na. Yung hotdog sa umaga pede din po yang maging instant snack sa hapon pede po natin gawin yang omelette na walang gatas po ha. Simplehan lang po natin. Pero dahil sa gusto ko po naman sumaya ang mga kakain nag bukas po ako ng Spam lite. Marami po nyan sa supermarket. Eto po ay padala lang ng anak ko na aksidenteng nakita ko ng nagwalis walis at ligpit sa kwarto. 

So eto na po ang ingredients at how to cook Hotdog omelette.

Ingredients
Tira tirang hotdog
2 itlog 
Mantika 
asin and pepper (panglasa)
Isang latang Spam

Pano lutuin:
Madaling madali lang po, di po to kumplikado katulad ng relasyon nyo hahaha
Batihin ang itlog.
Hiwain ang hotdog ng cute na mga bilog.

Magpainit ng mantika.
Iprito ang mga hotdog. Wag sunugin. Itabi. 
Ilagay ang mga pritong hotdog sa binating itlog ibalik sila sa kawali at baligtarin. 

Magprito ng spam na nakahiwa ng naaayon sa gusto nyong bitesize. Sorry wala po ako vid nalimot ko ang sarap kase ng amoy ng spam habang piniprito. 

Pagsamahin sa pinggan ng maayos. Pede po yan sa pandesal, tasty or kanin lamig.



Tawagin ang mga kasama sa bahay at enjoy po natin ang fudang. =) Stay home po tayo lahat muna. Stay sane and well. Kaya natin to. =)




No comments:

Post a Comment

Grow your business with PLDT KaAsenso!

The new normal brought about by the pandemic has presented a new set of challenges for the Filipino entrepreneur, yet resourceful Pinoys hav...