Search This Blog

Wednesday, April 6, 2022

Hidilyn Diaz: Pano naka-survive sa mga pagsubok sa buhay?


CERTIFIED overseas Filipino ngang matatawag si Hidilyn Diaz dahil maraming beses na siyang umalis ng Pilipinas para mag-train ng weightlifting at lumaban ng competition sa iba’t ibang bansa.

 

Naka-byahe na siya sa Amerika, London, Brazil, Thailand, Japan, South Korea at Indonesia -- mga bansa kung saan maraming OFs ang nagta-trabaho at nakikipagsapalaran para sa mga pamilyang naiwan sa Pilipinas. 

 

Bago siya sumabak sa 2020 Tokyo Summer Olympics, lagpas isang taon ang inilagi ni Hidilyn sa Malaysia para mag-training. Doon na rin sya inabutan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, isang pangyayaring sumubok sa kanyang katatagan. 

 

“Tuwing naaalala ko yung challenges na pinagdaanan ko at ng aking team sa Malaysia, talagang naiiyak ako eh. Napakahirap magpalipat-lipat ng lugar doon para lang hindi matigil ang aking training. Ang taas ng anxiety kase iniisip namin saan kami titira, saan kami pupunta, at saan ako mag-te-training?” pagbabalik-tanaw ni Hidilyn. 

 

May mga oras din na umiiyak na lamang siya at tinatanong ang sarili ng: “Ano ba itong hinaharap ko ngayon? Di ko na yata alam kung paano solusyunan.” Pero sa kabila nito, kinumbinse ni Hidilyn ang sarili na kayang-kaya niyang lagpasan ang mga pagsubok at magiging okay din ang lahat.

Paano nga ba siya naka-survive? 

 

“Iba kapag may nakakausap ka. May kasangga ako hindi lang yung coaching team ko kundi pati na rin friends ko. Napakalaking tulong nila. At syempre, hindi mawawala ang inspirasyon na galing sa aking pamilya at ang prayers ko kay God,” diin ng Olympic gold medalist. 

 

Aware si Hidilyn na ang kwento niya ay hindi naiiba sa kwento ng mga OFs. Mas matindi pa nga raw ang nararanasan ng mga kabayan abroad lalo na noong nagsimula ang pandemya. May ibang natigil sa trabaho pero hindi pa rin umuuwi sa Pilipinas dahil iniisip ang kalagayan ng pamilya at may iba namang nagdodoble-kayod para madagdagan ang income – bagay na hinahangaan ni Hidilyn sa kapwa Pinoy. 

 

“We take it day-by-day and we continue with our dreams. Talagang akma yung linyang we find ways eh. Hindi ka dapat bumitaw kase may paraan para maitawid ang buhay,” paliwanag pa nya. 

 

Kahit hindi pa tapos ang laban ng mundo sa pandemya, naniniwala pa rin si Hidilyn na darating din ang happy ending. “Ang challenge naman hindi binibigay kung hindi kayang lagpasan. Kaya advice ko sa ating mga kabayan, tuloy lang ang buhay. Kayang-kaya ‘yan kabayan!” 

 

6 comments:

  1. Yes kahit ang hirap,tuloy lang ang buhay na may kasamang dasal๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

    ReplyDelete
  2. Yes this is one of my idol talaga ,Grabe itong pinagdaanan ni hidilyn eh!

    ReplyDelete
  3. Tlagang isa ito sa nkka proud at tlga nman nkaka inspire na tao . ❤️๐Ÿ˜

    ReplyDelete
  4. Everyone struggles with staying motivated and reaching their goals.Don't give up on your dreams, or your dreams will give up on you.Because your dreams and goals are what you aspire to be or do, which gives you a sense of meaning and purpose.

    ReplyDelete
  5. Very inspiring story๐Ÿ’ช๐ŸฟSo true po and agree talaga ako na ang challenge binibigay sa atin kasi kaya natin and para mas lalo tayo maging matatag.

    ReplyDelete
  6. Very inspiring talaga si ms hidilyn. She's truly an inspiration.❤️

    ReplyDelete

Of Palettes and Palate: The Art of Food Innovation at the Tastesetters Victors Night

When I received the invitation to the Tastesetters Victors Night , that was to be held at the Yuchengco Museum, my curiosity was immediately...