Search This Blog

Monday, May 3, 2021

“Sama-sama Tayo” ang pangakong pinatutupad ng BDONB sa lahat ng mga customers sa tulong ng mga produkto at serbisyo nito

Kung ikaw ay isa sa entrepreneurs na kasalukuyang nakakaranas ng pagkalugi dahilan sa kasalukuyang pandemya, may sagot ang BDO Network Bank sa iyo. 

MAY pag-asa pa bang makabangon ang mga maliit na negosyo sa gitna ng nararanasang pandemya? Ang simpleng sagot ay oo. 

Isa ang BDO Network Bank (BDONB) sa mga financial institutions na tumutulong sa mga tinatawag na micro and small entrepreneurs (MSME) na makabangon muli at maipagpatuloy ang negosyong nasimulan. 

Sa pamamagitan ng MSME Loan ng BDONB, mabibigyan ng dagdag puhunan ang mga maliit na negosyo, na may kaakibat na magaan na singil sa pagbabayad nito. 

Ang BDO Network Bank ay isang financial institution na may mga produkto at serbisyo na tumutulong sa mga teachers at micro and small entrepreneurs (MSME) na matugunan ang kanilang mga pangangailangan at suportahan ang mga negosyong nasimulan. 

“Nais namin bigyang atensyon ang mga maliit na negosyante at makitang lumago muli ang kanilang negosyo. Ang pag-unlad ng mga MSMEs ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa,” paliwanag ni Jesus Antonio S. Itchon, president ng BDONB. 

Bukod sa mga MSMEs, may financial solution din ang BDONB para sa mga guro sa pamamagitan ng produkto nitong Salary Loan. Ayon kay Itchon, maraming natutuwa katulad ng isang guro mula sa Mindanao ay pinuntahan ng isang BDONB account officer sa kanilang lugar upang makapag-apply ng kinakailangang halaga. Hindi na kinailangan ng guro na bumyahe at pumunta sa bangko dahil dito.

“Una sa aming listahan ang maging ka-partner sa pag asenso ng kabuhayan at masuportahan ang financial needs ng ating komunidad. Kaya naman patuloy ang pagbubukas ng mga BDONB branches at loan offices sa buong Pilipinas para suportahan ang pangangailangan ng mga customers at upang makasabay sila sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya,” dagdag ni Itchon.

Ang BDONB ay ang rural bank subsidiary ng BDO Unibank. Ang linyang “Sama-sama Tayo” ang pangakong pinatutupad ng BDONB sa lahat ng mga customers sa tulong ng mga produkto at serbisyo nito. 

Para malaman kung anong financial solution ang nababagay sa iyong pangangailangan, bisitahin lang ang BDO Network Bank PH Facebook page (https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH), BDONB website (www.bdonetworkbank.com.ph), o  pumunta sa pinakamalapit na BDONB branch.

4 comments:

  1. Kaakibat talaga nang mga mahihirap ang BDO LOAN. this is really good help sa mga may nais magkaroon nang kahit maliit na sari-sari store. Very productive bank ever.

    ReplyDelete
  2. Ang galing tlga ng BDO very helpful ito sa mga my business na tlga nman nalugi dahil sa pandemic , pwede sila mkapag loan para magkaron muli ng puhunan . Maganda itong program ng BDO 🤗❤️(Apple Joy Camañero)

    ReplyDelete
  3. love this blog the best talaga itong BDO and thanks for sharing this po ms lou and talagang very helpful lalo na sa panahon ngayong pandemic sure na makakatulong ito sa mga tao nakapaka nice ng program nila

    ReplyDelete
  4. Worth sharing this blog po dahil maraming naapektuhan ng pandemic lalo na ang mga small businesses gusto pa din maipagpatuloy mga business nila na nasimulan. Sharing this info para malaman at makatulong na din sa iba na gusto mag inquire about this program ng BDO.

    ReplyDelete

University Students Share Insider Insights on Working in PH's Premier Tech Companie

  The world of online shopping seems like a magical land of deals and fast deliveries, but what's the real deal for the people who make ...